kahalagahan ng social media at internet sa ating kasalukuyang buhay
sa makabagong panahon, hindi na makakaila na ang social media at internet ay bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay, Halos lahat ng tao-bata man o matanda-ay gumagamit nito upang mag-aral,magtrabaho,makipag komunikasyon, o kahit malibang.malaki ang naitutulong ng internet at social media sa pag papadali ng ating mga gawain at sa pagpapalawak ng ating kaalaman tungkol sa mundo. isa sa mga pinakamahalagang ambag ng internet ay ang madaling pagkuha ng impormasyon. Sa isang pindot lamang, maaari na tayong makabasa ng balita, makapanood ng mga aralin, o makahanap ng mga sagot sa ating tanong. Dahil dito, nagiging mas madali lang pagkatuto ng mga mag-aaral at ang paggawa ng mga proyekto. gayundin, sa panahon ng pandemya, ang social media at internet ang naging tulay upang magpatuloy ang edukasyon at trabaho sa pamamagitan ng online classes at virtual meeting. hindi rib makakaila na malaki ang papel ng wika sa paggamit ng social media at internet. sa pamamagitan ng wika, naipahahayag...